Happy Birthday America

love, celebration 2 Comments »

Marami na namang fireworks pero kahapon kami nanood sa loob ng base. May mga banda at syempre maraming pagkain. Hehehe! Kanina may fireworks na naman sa may mall. Di na kami lumabas dahil kita naman sa may bintana e, saka maysakit ang Fafah Mike ko ngayon.

Pinagluto ko sya ng masarap at mainit na sabaw, sana gumaling na sya! Yaaayyy…

Kanina lang…

*ako’y nagco-computer habang ikaw ay natutulog sa tabi ko

ikaw: ang dami ano ma??
ako: huh??
ikaw: ma…
ako: ano?
ikaw: mahal kita ma…
ako: huh??

Tsk.. tsk… akala ko gising na, yun pala nagsasalita habang natutulog. Hehehe! O sige na nga… aylabyutu!! Pagbigyan ang maysakit… :)

Lost Touch

down 19 Comments »

Anong magiging feeling mo kung yung mga taong dati mong nakakausap e hindi mo na ngayon maapuhap? Is it me or them? or both? Nakakaloka but yes, that’s the sad truth. Mag-drama daw ba ako ngayon?? Ang arte di ba dahil sa totoo lang.. MIZ KO NA ANG LAHAT!!!

Well, naging busy ako at alam kong naging busy din sila. May kani-kaniya naman kaming buhay noh pero kung ano man yung mga ginawa, ginagawa, gagawin pa lang nila at ginawa, ginagawa, gagawin ko pa lang e masaya ako dahil may magaganda kaming mga futures!! Hahahaha! Siguro trip ko lang mag-emote ngayon! Oist, superfriend… paramdam ka naman. Yaaaay… aymisssshuuu na.

Museum of Art

love, travel 12 Comments »

Sinipag akong mag-post ngayon kasi syempre pa… Friday na naman!! Umuwi kami ng maaga ngayon dahil sobrang init dito sa opisina, para kaming sinusunog dito. As usual, sira na naman ang A/C.

Gaya ng sabi ko sa nakaraan kong post, nagpunta nga kami sa NC Museum of Art. Ang gaganda ng mga paintings. Naalala ko tuloy ang kaibigan kong artists dito sa blog gaya ni Te Nona at ni Kuya Rey. Ang galing! Gift talaga yung mga ganyan kasi sa unang tingin, aakalain mo na simple lang yung mga ginagawa nila pero may mga deep meanings pa rin pala. Di na ako nakapag-picture sa loob dahil bukod sa bawal… sobrang na-amaze ako sa mga nandon.

Kaya ito na lang sa Museum Park na nasa may labas lang.


Onion rings…


Ayaw pang magpakuha mi Mike dyan… nahihiya! Haha!


Going to the top of the world…


Yahoooo… we made it!

It’s nice to be out. This weekend, hindi ko pa alam kung anong plano namin ni Mike… siguro magtatago muna kami sa araw. Ang itim na namin pareho… layas kasi e! Nyahaha!

Happy weekend sa inyong lahat.

Summer na!

travel, bubbles 22 Comments »

Hanep din naman talaga ako kung mag-update, buwan-buwan! Hahaha! Kaloka ito! Marami na namang nangyari.. may maganda, may panget at meron din mga not so panget! Hahaha! Okay lang… tuloy pa rin ang buhay!

We went to South Carolina para magliwaliw. Nag-leave talaga ako para makapamasyal kahit paano. 3 hrs ang drive at salamat naman sa GPS dahil hindi kami nawala.



After a week, naaksidente naman ako. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nung driver na yun at hindi sya nag-stop sa STOP sign. Haaaay… akala ko katapusan ko na. Nawasak yung unahan ng sasakyan ko… dinala pa ako sa hospital. Haaay… kaloka! Ngayon, takot na ako sa mga intersection… feeling ko lagi akong babanggain sa may right side ko kahit pa na may STOP sign sila. Buti na lang wala akong binayaran ni isang kusing dahil hindi ko naman kasalanan. Bleh! As of today, nakabalik na ulit yung sasakyan ko sa amin. Yeeeyy… bagong-bago ulit.

Summer na, yes! Itong isa naming kasama dito e galing sa salon. Pinakalbo ko si Bubbles kasi nakakaawa sya. Sobrang init dito at lagi syang hinihingal dahil na rin siguro sa kapal ng buhok nya. Naging payatot tingnan si Bubbles nung magupitan… haha! Nakakatawa sya…

Friday the 13th ngayon, naniniwala pa ba kayo don?? Hehehe.. wala lang, curious lang! May date kami sa sinehan ng fafah.. time for some comedy movie naman. Bukas, another day! Pupunta kami bukas sa NC Art Museum at sa susunod na lang ang mga pictures. Yun e kung pwedeng magpa-picture sa loob ng museum. Hehehe!

Have a great weekend sa inyong lahat and as always… forever ko na kayong miss! Mwuaaahuggz! Ingatz lagi..

PAHABOL: Happy 2ng blogsary sa akin sa darating na June 15. Baka kasi matagalan ulit bago ako makapagpost na naman dito! Hehehe!

Constant motion, no wasted effort

my life, love, friends, air op da force, books/movies/gadgets 15 Comments »

Isang buwan akong hindi nagpakita dito, akala nyo nawala na ako noh? Andito pa rin naman pero parang kabute na pasulpot-sulpot na lang. Namiz ko kayo, sobra!! Yung mga nagpupunta dito pero wala namang nadadatnan… salamat! Sa mga tag at awards (most of them ay galing kay Te Idealpinkrose)… salamat! Sadyang busy lang talaga ako. Saan?

1. Nakaka-windang ang trabaho. Nakaka-pressure. Nakakaloka pero masaya. Masarap sa pakiramdam na importante ka.

2. Kakatapos lang last week ng Spring Semester at heto naman ako ngayon para sa Summer Class. Nakakatuwa. Konting-konti na lang.

3. Masayang magluto. Nakakatuwang maghanda ng pagkain kung yung paghahandaan mo e lagi kang na-appreciate. Mas challenging kung mage-eexperiment ka, it’s always a surprise kung ano ang magiging outcome. Masarap man o hindi, may bukas pa naman para sa panibagong putahe. Sarap!

4. Kung hilig ko ang pagkanta, paano pa kaya kung sabayan ko ng pagigitara? Di ba ang bongga? O kaya naman, may ka-partner ka na at hindi na lang laging acapella? Ang saya! Learning new stuff again with Mike kasi nalimot ko na yung ibang natutunan kong sa pagigitara doon sa ilalim ng punong mangga ni Tya Careng. I want to be like him doing this…


5. MWF ang gym. Staying fit and staying healthy para laging happy.

6. Kung may exercise sa labas ng bahay, ang Wii ba ay counted na as exercise sa loob ng bahay?? Pwede na kahit hinde (nabasa ko sa news). Bonding moments na rin yan ha. Tawagin si katoto para sa umaatikabong eksena, samahan mo pa ng mga pagkaing pampagana. Ayy sarap!

7. Playoffs na sa NBA. American Idol. Hell’s Kitchen. Extreme Makeover: Home Edition. Oprah. AFV. Real TV. Dyesebel. Pwede ng hindi manood ng sine. Relax-relax sa harap ng TV pagkagaling sa school, magaling na pampatulog. Kapag walang magandang palabas, maraming libro akong naka-stock.

8. Sabado Nights with fafah. Just me and him at wala ng iba pa. A great time to be together in a date pagkatapos naming makipag-date sa Kanya.

9. Sunday is Picnic Day with friends. Summer na! Basketball. Frisbee. Cathing up. Patok na patok sa kainan. Basta nga naman pag mga pinoy ang nagsasama-sama… di mawawala ang kainan. Pakiramdam ko, linggo-linggo akong nasa Pinas.

10. After a long day almost everyday…. masarap matulog ng may kayakap sa gabi. Busy? Pweeedeeeee! Hehe!

PAHABOL: Pagkatapos kong matakot at nerbyusin sa nakaraan kong post, tila nag-iba ang ihip ng hangin. I DID IT!! Lumipad na ako with the F-15 last April 25. Ang sarap at ang saya-saya. Ngayon, may maikkwento na ako sa magiging anak at apo ko. Nyahahaha! Gusto kong mag-share ng picture pero di ko gagawin, mahirap na… baka makulong pa ako. Bawal kasi e. Certificate ko? Hmmm… eto oh:

Busy ako di ba? Yes! I’m busy making people and myself happy! I think I deserve this naman.

I miss you guys!! Thank you ulit ng marami…

WP Theme & Icons by N.Design Studio
Entries RSS Comments RSS Login